Monday, May 19, 2014

Unpublished Blogs (2012)

PAKETBOWK

“Peram ng PHR” – iyan ang lagi kong naririnig sa aming kapit-bahay kapag nakikipagtsismisan siya sa ate ko. Suki ng limbagan ang ate ko at addict sa pagbabasa ng pocket book kaya hindi kataka-taka na ang bahay namin ay mistulang library ng Tagalog pocket books. Simula pa nung dalaga siya puro PHR na ang nakikita ko sa kwarto nya at bulto-bulto kung bumili. Hanep!!! Sa kanay ko narinig ang pangalag Martha Cecilia, Marjorie Garcia na iniidolo nya pagdating sa pagsusulat. Sikat daw sila. Ewan ko ba. Hindi rin siya bumibili ng ibang pocketbook maliban sa “Precious Hearts Romances”.

Minsan sa buhay ko ( noong hayskul din) naengganyo din akong magbasa kasi naisip ko sayang lang ang mga babasahing yun at mukha namang interesting.. Nakita ko ang isang libro na ang pamagat ay “Panibugho ng Damdamin” ; sa titulo palang nakakatawa na at sabayan pa ng kakatwang pigura sa harapan ng libro na kung hindi man naghahalikan ay nakatopless na lalake  o isang babaeng punit ang damit. (lol). Binuksan ko ang unang pahina. Ang cool. Maganda ang paglalahad ng istorya at interesante. Inabot ako ng isang buong araw para basahin ang sampong kabanata ng istorya na may temang harutan, sampalan, halikan at kung papalarin pa ay may bedscene. Natapos ko ang isang libro pero nalungot ako kasi mangilan-ngilang leksyon lang natutunan ko: mga katagang “ lafangin” , “jowa” “ahhhhhhh” , “arghhhh” at mga pangalang sosyal tulad ng “Jose Fernando”, “Julio Miguel” at “Estanislao Basa” --- mga ngalang Mexican… fan ding kaya sila ni Jessica Sanchez???

In fairness, gumana ang imahinasyon at namulat ako sa buhay pag-ibig. Maganda naman ang karanasan na iyon. Noon ko narelialize na masaya din pa lang magbasa ng mga ganoong  genre --- pampalipas oras nga. May bonus pang kilig. Di ko masisi ko kung bakit madaming parokyano ang nahuhumaling sa mga ito, mga kababaihan at ilang mga kalalakihan na nais matututo sa Pag-ibig. Yung iba namay nakikiexperience sa experience ng iba at yung iba gusto lang malibang. Narinig ko rin ate ko minsan na nagmumura, minumura niya ang panglang Joyce Herrera na sa kalauna”y nalaman kong karakter pala sa binasa nyang pocket book. Oh diba?? Nacarried-away siya.

Sa pagbabasa, makikita mo ang lawak ng mundo, mararamdaman mo ang emosyon ng iba at mabibigyan ka ng pagkakataong maranansan ang naranasan nila. Dito’y Malaya kang makakapagcomment at pwede mo rin sampalin ang karakter sa imahinasyon mo. Dito mo matetest kung gaano kalayo ang mararating ng iyong imahinasyon, wag lang gumaya kay Spongebob na OA mag-imagine. Hindi importante kung makabisado mo ang mga detalye o mamemorya mo ang sequel ng istorya. Ang mahalaga ay tinamaan ka at may epekto sa iyo ang iyong binasa. Sa pagkakataong iyon, nagtagumpay ang awtor sa pagbuo ng komunikasyon sa inyong dalawa. Ang importante ay may natutunan ka. Hindi kailangang alam mo ang buod, setting, climax o anumang elemento… Maliban na lang kung nasa LITERATURE class ka. Ibang usapan yun.

Ang nangyaring iyon sa buhay ko ay nagbukas ng isa pang pinto para sa isang hilig. Nagkaron ng puwang ang literaturang nilimbag sa wikang Tagalog (Filipino). Nagkaroon ako ng hilig sa mga babasahin tulad ng Songhits (may feature sa likod), Tabloids at Filipino Novels at syempre sa Literatura ni Bob Ong.
Dumating din nga sa puntong naadik ako sa ABANTE --. Perpek na tabloid yun. Sarap niyang basahin.Mayroong horoscope, features, showbiz at mga bold star tulad nina Ara mina at Joyce Jimenez sa front cover na ginugupit pa ng kaklase ko nun at idinidikit sa notebook niya. (wahahaha). Masarap ding magsolve ng crossword puzzles. ---- na inaabangan ko din ang sagot kinabukasan. para malaman ang mga katangahan ko. At higit sa lahat, kumbaga “Star ng Noche Buena” ang XEREX XAVIERA… tawa mga kapatid na fan ni Xerex.  Araw-araw yan. Lunes gang Linggo di ako pwedeng mawalan ng kopya. Hindi ko ito isinisisi sa “PANIBUGHO ng DAMDAMIN” na siyang una kong nabasa. J That’s the spice!!

Ang daming eksena dun na pang-**tut**.. di ko na ilalahad. Lam nyo nay un o kaya igoogle nyo nalang. Spoiler: Kung gusto nyong malaman, meron siyang site ngayon, blog site yun (lam ko yun kasi blogger ako). Iggogle mo nalang. Parang google-schocker lang yan pero nakalahad.

Simula noong nawala sa Abante ang parteng iyon, hindi na ako muling bumili ng tabloid at nagbalik-loob sa Broadsheet. Maganda ang tabloid. Kung ayaw mo sa masyadong English at di ka nasisiyahan sa formality ng broadsheet, Tabloid ang para sa iyo. Pero isa lang ang pakiusap ko… wag lang po TORO. J

Pansamantala akong nawalan ng interes sa babasahing Pilipino. Nagsawa ako sa Bato-balani at sa panoramang pinoy. Ayaw ko na ding magbasa ng komiks kasi medyo korni na. Narealize ko ding malaki ang impluwensiya ng mga babasahing ito sa mga mambabasa. Lubos akong humanga sa mga Pilipinong awtor.

Dumating si Bob Ong sa buhay ko at ang mga libro nyang kakatwa pero malaman. Ang sarap ulit-ulitin at pigain kung ano yung gusto nyang ipabatid sa mga mambabasa nya. Kung puro patawa lang ang napansin nyo sa mga unang libro, aba, I strongly suggest na basahin nyo ulit. Spoiler: Ang daming pasaray sa Government at baho ng lipunan. Isang makatotohanang paglalahad. Kumbaga siya si Rizal noong panahon ng Rebolusyon. Nakatago ang nilalaman ng kanyang mga akda.  Malalim ang mga ideya ni BOB ONG pero nagagawa niyang ilahad sa simple at nakakatawang istilo. Alam nyo na yun. Sino ba dito ang hindi pa nababasa ang Paboritong Aklat ni Hudas??

Nga pala, may isang mywapper na hindi pa nagpapahiram ng “Lumayo ka nga sa Akin” na sa pananaw kong halaw sa titulong “Lumayo ka man sa Akin” na isinaere ng ABS-CBN na nakabase sa isang Pocketbook ng PHR?? J Sana ay basahin niya ito para maremind siya. Ang lakas makaimpluwensya ng POCKETBOOK!

Bakit ko nga ba isinulat ang tekstong ito??? Isinulat ko ito hindi para hikayatin kayong magbasa ng Nobelang Pinoy o Pocketbook. Nais ko lang ipabatid na sa pagdaan ng panahon, ang Makabagong Panitikang Pilipino ay mayroon ding itinatagong ganda. Hanep sa istilo at kaalaman. Yung iba’y nakakalat lang sa tabi mo, meron namang limited edition at madaming nakaterba lang sa estante ng bookstore. Hindi lang sina Martha Cecilia, Bob Ong, Paolo Coelho, Dan Brown, Stephanie Meyer ang may magagandang aklat. Subukan ding Buklatin si Liwayway Arceo, Carlos J. Caparas  at Lualhati Bautista at bisitahin ang bahay aklatan.

Ang dami-daming paraan para magbasa.Andiyan na si Kindle, Tablet, Ipad, Phone applications at Internet para magbasa. Ang sarap ipagmalaki sa kasama na nabasa mo na ang libro bago mo napanood sa pelikula.  Sana dumating din sa puntong ang mga librong Pinoy ay mamayagpag sa Hollywood  at sumikat din sina ng “Jose Fernando”, “Julio Miguel” at “Estanislao Basa” gaya ni Harry Potter, Edward, Jacob at Bella.

Anyway, again, this has been TEDMOSBY, pasensya na po sa mga misspelled words. Di po kasi pansin ni MS Word ‘pag Filipino. RACIST kasi siya. Hahahaha. ‘Gang dito na lang, babasahin ko pa yung “Pigilan man ang Puso” ni Marjorie Garcia. J

05/28/2012 5:20PM Manila Time
***tedmosby***

No comments:

Post a Comment