PAKETBOWK
“Peram ng PHR” – iyan ang lagi
kong naririnig sa aming kapit-bahay kapag nakikipagtsismisan siya sa ate ko.
Suki ng limbagan ang ate ko at addict sa pagbabasa ng pocket book kaya hindi
kataka-taka na ang bahay namin ay mistulang library ng Tagalog pocket books.
Simula pa nung dalaga siya puro PHR na ang nakikita ko sa kwarto nya at
bulto-bulto kung bumili. Hanep!!! Sa kanay ko narinig ang pangalag Martha
Cecilia, Marjorie Garcia na iniidolo nya pagdating sa pagsusulat. Sikat daw
sila. Ewan ko ba. Hindi rin siya bumibili ng ibang pocketbook maliban sa
“Precious Hearts Romances”.

Minsan sa buhay ko ( noong
hayskul din) naengganyo din akong magbasa kasi naisip ko sayang lang ang mga
babasahing yun at mukha namang interesting.. Nakita ko ang isang libro na ang
pamagat ay “Panibugho ng Damdamin” ; sa titulo palang nakakatawa na at sabayan
pa ng kakatwang pigura sa harapan ng libro na kung hindi man naghahalikan ay
nakatopless na lalake o isang babaeng
punit ang damit. (lol). Binuksan ko ang unang pahina. Ang cool. Maganda ang
paglalahad ng istorya at interesante. Inabot ako ng isang buong araw para
basahin ang sampong kabanata ng istorya na may temang harutan, sampalan,
halikan at kung papalarin pa ay may bedscene. Natapos ko ang isang libro pero
nalungot ako kasi mangilan-ngilang leksyon lang natutunan ko: mga katagang “
lafangin” , “jowa” “ahhhhhhh” , “arghhhh” at mga pangalang sosyal tulad ng
“Jose Fernando”, “Julio Miguel” at “Estanislao Basa” --- mga ngalang Mexican…
fan ding kaya sila ni Jessica Sanchez???

In fairness, gumana ang imahinasyon
at namulat ako sa buhay pag-ibig. Maganda naman ang karanasan na iyon. Noon ko
narelialize na masaya din pa lang magbasa ng mga ganoong genre --- pampalipas oras nga. May bonus pang
kilig. Di ko masisi ko kung bakit madaming parokyano ang nahuhumaling sa mga
ito, mga kababaihan at ilang mga kalalakihan na nais matututo sa Pag-ibig. Yung
iba namay nakikiexperience sa experience ng iba at yung iba gusto lang
malibang. Narinig ko rin ate ko minsan na nagmumura, minumura niya ang panglang
Joyce Herrera na sa kalauna”y nalaman kong karakter pala sa binasa nyang pocket
book. Oh diba?? Nacarried-away siya.

Sa pagbabasa, makikita mo ang
lawak ng mundo, mararamdaman mo ang emosyon ng iba at mabibigyan ka ng
pagkakataong maranansan ang naranasan nila. Dito’y Malaya
kang makakapagcomment at pwede mo rin sampalin ang karakter sa imahinasyon mo.
Dito mo matetest kung gaano kalayo ang mararating ng iyong imahinasyon, wag
lang gumaya kay Spongebob na OA mag-imagine. Hindi importante kung makabisado
mo ang mga detalye o mamemorya mo ang sequel ng istorya. Ang mahalaga ay
tinamaan ka at may epekto sa iyo ang iyong binasa. Sa pagkakataong iyon,
nagtagumpay ang awtor sa pagbuo ng komunikasyon sa inyong dalawa. Ang
importante ay may natutunan ka. Hindi kailangang alam mo ang buod, setting,
climax o anumang elemento… Maliban na lang kung nasa LITERATURE class ka. Ibang
usapan yun.

Ang nangyaring iyon sa buhay ko
ay nagbukas ng isa pang pinto para sa isang hilig. Nagkaron ng puwang ang
literaturang nilimbag sa wikang Tagalog (Filipino). Nagkaroon ako ng hilig sa
mga babasahin tulad ng Songhits (may feature sa likod), Tabloids at Filipino
Novels at syempre sa Literatura ni Bob Ong.
Dumating din nga sa puntong naadik
ako sa ABANTE --. Perpek na tabloid yun. Sarap niyang basahin.Mayroong
horoscope, features, showbiz at mga bold star tulad nina Ara mina at Joyce
Jimenez sa front cover na ginugupit pa ng kaklase ko nun at idinidikit sa
notebook niya. (wahahaha). Masarap ding magsolve ng crossword puzzles. ---- na
inaabangan ko din ang sagot kinabukasan. para malaman ang mga katangahan ko. At
higit sa lahat, kumbaga “Star ng Noche Buena” ang XEREX XAVIERA… tawa mga
kapatid na fan ni Xerex. Araw-araw yan.
Lunes gang Linggo di ako pwedeng mawalan ng kopya. Hindi ko ito isinisisi sa
“PANIBUGHO ng DAMDAMIN” na siyang una kong nabasa. J That’s the spice!!

Ang daming eksena dun na
pang-**tut**.. di ko na ilalahad. Lam nyo nay un o kaya igoogle nyo nalang. Spoiler:
Kung gusto nyong malaman, meron siyang site ngayon, blog site yun (lam ko yun
kasi blogger ako). Iggogle mo nalang. Parang google-schocker lang yan pero
nakalahad.

Simula noong nawala sa Abante ang
parteng iyon, hindi na ako muling bumili ng tabloid at nagbalik-loob sa
Broadsheet. Maganda ang tabloid. Kung ayaw mo sa masyadong English at di ka
nasisiyahan sa formality ng broadsheet, Tabloid ang para sa iyo. Pero isa lang
ang pakiusap ko… wag lang po TORO. J

Pansamantala akong nawalan ng
interes sa babasahing Pilipino. Nagsawa ako sa Bato-balani at sa panoramang
pinoy. Ayaw ko na ding magbasa ng komiks kasi medyo korni na. Narealize ko ding
malaki ang impluwensiya ng mga babasahing ito sa mga mambabasa. Lubos akong
humanga sa mga Pilipinong awtor.

Dumating si Bob Ong sa buhay ko
at ang mga libro nyang kakatwa pero malaman. Ang sarap ulit-ulitin at pigain
kung ano yung gusto nyang ipabatid sa mga mambabasa nya. Kung puro patawa lang
ang napansin nyo sa mga unang libro, aba, I strongly suggest na basahin nyo
ulit. Spoiler: Ang daming pasaray sa Government at baho ng lipunan. Isang
makatotohanang paglalahad. Kumbaga siya si Rizal noong panahon ng Rebolusyon.
Nakatago ang nilalaman ng kanyang mga akda.
Malalim ang mga ideya ni BOB ONG pero nagagawa niyang ilahad sa simple
at nakakatawang istilo. Alam nyo na yun. Sino ba dito ang hindi pa nababasa ang
Paboritong Aklat ni Hudas??

Nga pala, may isang mywapper na
hindi pa nagpapahiram ng “Lumayo ka nga sa Akin” na sa pananaw kong halaw sa
titulong “Lumayo ka man sa Akin” na isinaere ng ABS-CBN na nakabase sa isang
Pocketbook ng PHR?? J Sana
ay basahin niya ito para maremind siya. Ang lakas makaimpluwensya ng
POCKETBOOK!

Bakit ko nga ba isinulat ang
tekstong ito??? Isinulat ko ito hindi para hikayatin kayong magbasa ng Nobelang
Pinoy o Pocketbook. Nais ko lang ipabatid na sa pagdaan ng panahon, ang
Makabagong Panitikang Pilipino ay mayroon ding itinatagong ganda. Hanep sa
istilo at kaalaman. Yung iba’y nakakalat lang sa tabi mo, meron namang limited
edition at madaming nakaterba lang sa estante ng bookstore. Hindi lang sina
Martha Cecilia, Bob Ong, Paolo Coelho, Dan Brown, Stephanie Meyer ang may
magagandang aklat. Subukan ding Buklatin si Liwayway Arceo, Carlos J.
Caparas at Lualhati Bautista at
bisitahin ang bahay aklatan.

Ang dami-daming paraan para
magbasa.Andiyan na si Kindle, Tablet, Ipad, Phone applications at Internet para
magbasa. Ang sarap ipagmalaki sa kasama na nabasa mo na ang libro bago mo
napanood sa pelikula. Sana
dumating din sa puntong ang mga librong Pinoy ay mamayagpag sa Hollywood at sumikat din sina ng “Jose Fernando”,
“Julio Miguel” at “Estanislao Basa” gaya
ni Harry Potter, Edward, Jacob at Bella.

Anyway, again, this has been
TEDMOSBY, pasensya na po sa mga misspelled words. Di po kasi pansin ni MS Word
‘pag Filipino. RACIST kasi siya. Hahahaha. ‘Gang dito na lang, babasahin ko pa
yung “Pigilan man ang Puso” ni Marjorie Garcia. J

05/28/2012 5:20PM Manila Time
***tedmosby***
No comments:
Post a Comment