04.25.2013 1:16 PM , Makati City
Ang hirap ng walang magawa. Ang
init ng panahon at nakakawalang-ganang
maghalo-halo sa kanto kasi isang kutsara lang
ang gatas at ni anino ng paborito kong UBE wala… takte! Hindi ko masulit ang
bente!
Well, katatapos ko lang manood ng
movie, DRAGONBALL REVOLUTION, STEP UP 2 at CHEERLEADER CAMP (ewan ko lang kung
anong pumasok sa isip ko at pinanood ko yun) wahaha at super bored ako kaya
after nun binuklat ko ang nobela ni Nicholas Sparks na SAFE HAVEN at boom ito
nako nakapagsulat ng walang kwentang blog (walang konek :P)
Syempre bago ang lahat,
nagresearch muna ako ng tema o subject sa blog kong ito na ewan ko din kung
pano ko sinimulan at san patutungo pero tinulungan ako ni twitter sa
pananaliksik and BOOM!! Wala akong napulot. Ang kokorni ng trend.
No worries, hindi ako dadaldal
about sa mga temang napapanahon. Lagi akong outdated sa mga current events at
kasabay noon ang pagkawala ko sa realidad kasi iba na ang timezone ko (Call
Center Thing ). Hindi ko nga alam na nagkakaron na pala ng Giyera sa dako pa
roon at kinoronahan na pala si Ariel Arida bilang Miss Universe Philippines
2013 na bentang benta sa ganda kasabay ng isyung kinapapalooban ng nagpasa ng
korona… well, ayoko nang ipakadiin kasi trending ang #Ijaninetogonon moko.
Well, hindi naman ako nashock dun. She’s just being true to herself and I can’t
blame her… (kaw ba naman ang kantahan ng THE MAN WHO CANT BE MOVED kung hindi
malalaglagan ng panty) wahahaha BREAKEVEN agad si jowa at nag FALL FOR ANYTHING
si Janine. Hindi ako fan ng the script promise! Nga pala, may bago silang
album… ABANGAN! Korning #GWIYOMI muna.
Anyway, much has been said for the
opening. Wala pa akong napupunto.
PANO KA NAGING BATA???
Noong nag-aapply ako sa trabaho,
tinanong ako ng interviewer about sa Childhood ko. Isang magandang tanong.
Broad at hindi ka mauubusan ng sagot, Yung tipong pati di ko pagsusuot ng
underwear noon ay nakwento ko.
Ang sarap maging bata. Yung wala
kang iisipin kundi maglaro. Pasok sa eskwela para sa baon at makipaghabulan sa
mga kababata after class. Magcamping para makapaglaro ng tagu-taguan sa gabi at
sumali sa drum and lyre corps at extracurricular para makapamasyal lang, Yun
eksenang di ka mag-aaksaya ng oras para isipin kung may pagkain ka bang uuwian
at manood ka nalang ng anime…
Malaki ang nagging epekto ng
pagiging bata natin kung ano tayo ngayon. Lahat ng experience noon ang nagiging
dahilan kung bakit ka mahiyain, madaldal, clumsy, nerd, badboy, badgirl, at
kung anu-anu pa. di ko na siguro tatalakayin ang buong theory ni Freud sa
Psychosexual para mabigyang eksplanasyon ang mga bagay na nasabi ko. Sabi lang
nun, kung pano ka lumaki bilang bata ay
may kinalaman kung ano ka ngayon.(ulit-ulit??) hahahahaha
Noong bata ako mahigpit parents ko
sa pag-aaral. May oras lahat pero hindi sila nagiging strict sa playtime kaya
kahit papano ay nabibigyan ko parin ng oras ang paglalaro. Uso din ang mga
rules like assignment before TV at pag weekends naman, linis before TV like the
usual. Lumaki ako sa mga rules na yun at dun ko natutunan ang pagbabudget ng
time na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa. ang study habits kong read at least
5 pages of any reading material everyday ay naging malaking dahilan kung bakit
ako hayok sa kung anu-anong babasahin at di ako namroblema sa academics.
Hayok ba ‘ka nyo??? Hahahah wait,
fan din ako ni xerex sa ABANTE noong murang edad palang… kaya maaga akong
namulat sa ANATOMY. Not until
pinagbawalan ako ng tatay ko at thankful din ako nun kasi nawala yung xerex sa
abante. Hahahah that’s fair enough!
Hindi narin mabilang mga libro ko
sa bahay na idodonate ko na sa kawang-gawa. Kasali dun yng mga pocket books ng
ate ko na pinagtsagaan ko din. Pati Nursing books ko ibibigay ko na rin kay
MRS. CYNTHIA VILLAR para hindi naman MUTANG sa mga pinagsasabi nyah. Malapit na
eleksyon mga kababayan… alam na! ;P
Nga pala, madami akong ebooks
(epub version), install lang kayo ng ADOBE DIGITAL EDITION (ADE) sa PC or use
kayo ng apps like MOON READER PRO for Android users... complete Patterson,
Coelho, Sparks, EL James, Sylvia Day, Collins.
Message nyo ako at isesend ko through email. Tamad akong mag-upload eh.
Hindi ako sociable type pero
bulgar ako sa social media. Hindi ako mahilig sa gatherings at mas gusto kong
gumala nang mag-isa… Ayoko kasi ng may iniisip na kasama pag nasa labas at para
kontrolado mo ang oras. Hindi ako mahiyain pero I hate being compared or being
rejected kaya hindi ako comfortable sa mga ganun. At di ako tinuruan ng magulang kong
makipagsosyalan na alam kong pinagsisihan nila (wahaha like what my sister have
said) pero mas okay kasi less gastos this time.
Matipid ako pero hindi sa
pagkain.Ayokong magutom. Pipiliin kong mabaon sa utang dahil sa pagakain kesa
magutom pero hindi ko hinahayaang wala akong pera. Panic nako pag bente nalang
pera ko… walang panghalo-halo boy!
Naging hilig ko din ang FM nung
bata. Yung tipong nirerecord ko pa yung mga bagong kanta sa top20 ng MOR sa
isang cassette tape at dahil di pa uso ang internet noon ay songhits ang
nagiging source ng lyrics. ..at ayoko ng songhits na walang article sa likod.
Ayoko ng puro crossword lang at puro picture. Walang kwenta
Hindi ako fan ng OPM kasi kahit
noong bata pa ay nakokornihan na ako… not until I turned 15 when I needed to
learn kakornihan for LOVE…
Hindi rin mawawala yung hilig ko
sa anime na isa sa mga highlight ng childhood ko. At isa sa mga frustration ko
hanggang ngayon ay kung baking hindi tinapos ng GMA ang buong series ng FUSHIGI
YUGI at HUNTER X!! badtrip kaya!! Rrrrr
Hanggang ngayon nanonood parin
pero minimal nalang kasi nightshift ako.. isa pa yun!
Nung bata ako ambisyon kong maging
isang DJ. Maingay kasi ako at mahilig dumaldal kaya when I graduated high
school, decided akong mag-MASSCOM pero ayaw ng tatay ko kaya I ended up taking
NURSING na kalaunan ay nagustuhan ko naman at ngayon ay CALL CENTER AGENT.. for
the least, hahahaha at least medyo may kalapitan sa kagustuhan ko noon. GOAL
partially met.
Madami din akong traits at
attitude na pinagsisihan kong natutunan ko ng kabataan ko kagaya ng pagiging
madamot, pero well compensated naman na ngayon. Hindi na masyado pero andoon
parin, In process boy.
Dahil din sa mga nabasa ko hindi
ako transparent. Sarado ang kaisipan ko sa mga alam kong di tama theoretically.
Like sa workplace, ayokong bigyan ng chance ang mga bagay na maliit lang ang
chance maging successful. I’m not a negative thinker pero parang lahat ng dapat
para sa akin ay yung ideal… kaya im learning the process of negation. Pili-pili
din ng babasahin pag may time.
Hehehe I don’t know pero hindi
lahat perpekto. Pero walang tama o mali . May sari-sariligtayong
pananaw kung anong tama at mali .
Kung ano tayo ngayon ay produkto ng mga kaisipan at kasanayan na natutunan
natin simula noong ipinanganak tayo hanggang sa ngayon. Madami pang pagkakataon
para ituwid ang mga maling kasanayan at simulan muli sa tama ang lahat…
Ang Learning process ay
tuloy-tuloy. Kung anong mali
ng kahapon ay hayaang itama ng bukas at kung anong tama noon ay panatalihin
parin tama ngayon. Masayang maging bata,
hindi man positibo lahat pero yun ka eh. Masasabi nating may pinaghugutan tayo…
Balik tanaw lang din minsan. Masaya promise! J
Wait anong napunto ko??? Ahhahahahaa
Nakakapagod magtype. Yosi muna at
kain ng halo-halong may kakarampot na gatas… oh wait, good news!! May Ube na!
End.
04.25.13. 3:26 pm (TeD-MowSBY,rn)