Available Books by Author:
Nicholas Sparks
Sylvia Day
James Patterson
Stephanie Meyer
Enjoy Downloading :)
Friday, August 30, 2013
Thursday, April 25, 2013
childhood ba??
04.25.2013 1:16 PM , Makati City
Ang hirap ng walang magawa. Ang
init ng panahon at nakakawalang-ganang
maghalo-halo sa kanto kasi isang kutsara lang
ang gatas at ni anino ng paborito kong UBE wala… takte! Hindi ko masulit ang
bente!
Well, katatapos ko lang manood ng
movie, DRAGONBALL REVOLUTION, STEP UP 2 at CHEERLEADER CAMP (ewan ko lang kung
anong pumasok sa isip ko at pinanood ko yun) wahaha at super bored ako kaya
after nun binuklat ko ang nobela ni Nicholas Sparks na SAFE HAVEN at boom ito
nako nakapagsulat ng walang kwentang blog (walang konek :P)
Syempre bago ang lahat,
nagresearch muna ako ng tema o subject sa blog kong ito na ewan ko din kung
pano ko sinimulan at san patutungo pero tinulungan ako ni twitter sa
pananaliksik and BOOM!! Wala akong napulot. Ang kokorni ng trend.
No worries, hindi ako dadaldal
about sa mga temang napapanahon. Lagi akong outdated sa mga current events at
kasabay noon ang pagkawala ko sa realidad kasi iba na ang timezone ko (Call
Center Thing ). Hindi ko nga alam na nagkakaron na pala ng Giyera sa dako pa
roon at kinoronahan na pala si Ariel Arida bilang Miss Universe Philippines
2013 na bentang benta sa ganda kasabay ng isyung kinapapalooban ng nagpasa ng
korona… well, ayoko nang ipakadiin kasi trending ang #Ijaninetogonon moko.
Well, hindi naman ako nashock dun. She’s just being true to herself and I can’t
blame her… (kaw ba naman ang kantahan ng THE MAN WHO CANT BE MOVED kung hindi
malalaglagan ng panty) wahahaha BREAKEVEN agad si jowa at nag FALL FOR ANYTHING
si Janine. Hindi ako fan ng the script promise! Nga pala, may bago silang
album… ABANGAN! Korning #GWIYOMI muna.
Anyway, much has been said for the
opening. Wala pa akong napupunto.
PANO KA NAGING BATA???
Noong nag-aapply ako sa trabaho,
tinanong ako ng interviewer about sa Childhood ko. Isang magandang tanong.
Broad at hindi ka mauubusan ng sagot, Yung tipong pati di ko pagsusuot ng
underwear noon ay nakwento ko.
Ang sarap maging bata. Yung wala
kang iisipin kundi maglaro. Pasok sa eskwela para sa baon at makipaghabulan sa
mga kababata after class. Magcamping para makapaglaro ng tagu-taguan sa gabi at
sumali sa drum and lyre corps at extracurricular para makapamasyal lang, Yun
eksenang di ka mag-aaksaya ng oras para isipin kung may pagkain ka bang uuwian
at manood ka nalang ng anime…
Malaki ang nagging epekto ng
pagiging bata natin kung ano tayo ngayon. Lahat ng experience noon ang nagiging
dahilan kung bakit ka mahiyain, madaldal, clumsy, nerd, badboy, badgirl, at
kung anu-anu pa. di ko na siguro tatalakayin ang buong theory ni Freud sa
Psychosexual para mabigyang eksplanasyon ang mga bagay na nasabi ko. Sabi lang
nun, kung pano ka lumaki bilang bata ay
may kinalaman kung ano ka ngayon.(ulit-ulit??) hahahahaha
Noong bata ako mahigpit parents ko
sa pag-aaral. May oras lahat pero hindi sila nagiging strict sa playtime kaya
kahit papano ay nabibigyan ko parin ng oras ang paglalaro. Uso din ang mga
rules like assignment before TV at pag weekends naman, linis before TV like the
usual. Lumaki ako sa mga rules na yun at dun ko natutunan ang pagbabudget ng
time na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa. ang study habits kong read at least
5 pages of any reading material everyday ay naging malaking dahilan kung bakit
ako hayok sa kung anu-anong babasahin at di ako namroblema sa academics.
Hayok ba ‘ka nyo??? Hahahah wait,
fan din ako ni xerex sa ABANTE noong murang edad palang… kaya maaga akong
namulat sa ANATOMY. Not until
pinagbawalan ako ng tatay ko at thankful din ako nun kasi nawala yung xerex sa
abante. Hahahah that’s fair enough!
Hindi narin mabilang mga libro ko
sa bahay na idodonate ko na sa kawang-gawa. Kasali dun yng mga pocket books ng
ate ko na pinagtsagaan ko din. Pati Nursing books ko ibibigay ko na rin kay
MRS. CYNTHIA VILLAR para hindi naman MUTANG sa mga pinagsasabi nyah. Malapit na
eleksyon mga kababayan… alam na! ;P
Nga pala, madami akong ebooks
(epub version), install lang kayo ng ADOBE DIGITAL EDITION (ADE) sa PC or use
kayo ng apps like MOON READER PRO for Android users... complete Patterson,
Coelho, Sparks, EL James, Sylvia Day, Collins.
Message nyo ako at isesend ko through email. Tamad akong mag-upload eh.
Hindi ako sociable type pero
bulgar ako sa social media. Hindi ako mahilig sa gatherings at mas gusto kong
gumala nang mag-isa… Ayoko kasi ng may iniisip na kasama pag nasa labas at para
kontrolado mo ang oras. Hindi ako mahiyain pero I hate being compared or being
rejected kaya hindi ako comfortable sa mga ganun. At di ako tinuruan ng magulang kong
makipagsosyalan na alam kong pinagsisihan nila (wahaha like what my sister have
said) pero mas okay kasi less gastos this time.
Matipid ako pero hindi sa
pagkain.Ayokong magutom. Pipiliin kong mabaon sa utang dahil sa pagakain kesa
magutom pero hindi ko hinahayaang wala akong pera. Panic nako pag bente nalang
pera ko… walang panghalo-halo boy!
Naging hilig ko din ang FM nung
bata. Yung tipong nirerecord ko pa yung mga bagong kanta sa top20 ng MOR sa
isang cassette tape at dahil di pa uso ang internet noon ay songhits ang
nagiging source ng lyrics. ..at ayoko ng songhits na walang article sa likod.
Ayoko ng puro crossword lang at puro picture. Walang kwenta
Hindi ako fan ng OPM kasi kahit
noong bata pa ay nakokornihan na ako… not until I turned 15 when I needed to
learn kakornihan for LOVE…
Hindi rin mawawala yung hilig ko
sa anime na isa sa mga highlight ng childhood ko. At isa sa mga frustration ko
hanggang ngayon ay kung baking hindi tinapos ng GMA ang buong series ng FUSHIGI
YUGI at HUNTER X!! badtrip kaya!! Rrrrr
Hanggang ngayon nanonood parin
pero minimal nalang kasi nightshift ako.. isa pa yun!
Nung bata ako ambisyon kong maging
isang DJ. Maingay kasi ako at mahilig dumaldal kaya when I graduated high
school, decided akong mag-MASSCOM pero ayaw ng tatay ko kaya I ended up taking
NURSING na kalaunan ay nagustuhan ko naman at ngayon ay CALL CENTER AGENT.. for
the least, hahahaha at least medyo may kalapitan sa kagustuhan ko noon. GOAL
partially met.
Madami din akong traits at
attitude na pinagsisihan kong natutunan ko ng kabataan ko kagaya ng pagiging
madamot, pero well compensated naman na ngayon. Hindi na masyado pero andoon
parin, In process boy.
Dahil din sa mga nabasa ko hindi
ako transparent. Sarado ang kaisipan ko sa mga alam kong di tama theoretically.
Like sa workplace, ayokong bigyan ng chance ang mga bagay na maliit lang ang
chance maging successful. I’m not a negative thinker pero parang lahat ng dapat
para sa akin ay yung ideal… kaya im learning the process of negation. Pili-pili
din ng babasahin pag may time.
Hehehe I don’t know pero hindi
lahat perpekto. Pero walang tama o mali . May sari-sariligtayong
pananaw kung anong tama at mali .
Kung ano tayo ngayon ay produkto ng mga kaisipan at kasanayan na natutunan
natin simula noong ipinanganak tayo hanggang sa ngayon. Madami pang pagkakataon
para ituwid ang mga maling kasanayan at simulan muli sa tama ang lahat…
Ang Learning process ay
tuloy-tuloy. Kung anong mali
ng kahapon ay hayaang itama ng bukas at kung anong tama noon ay panatalihin
parin tama ngayon. Masayang maging bata,
hindi man positibo lahat pero yun ka eh. Masasabi nating may pinaghugutan tayo…
Balik tanaw lang din minsan. Masaya promise! J
Wait anong napunto ko??? Ahhahahahaa
Nakakapagod magtype. Yosi muna at
kain ng halo-halong may kakarampot na gatas… oh wait, good news!! May Ube na!
End.
04.25.13. 3:26 pm (TeD-MowSBY,rn)
4.26.2013 9:42 AM MANILA
TIME
DEAR JUAN
Hindi ito halaw sa makakatotohanang nobela ni Nicholas Sparks sa Dear John na binagbidahan ni Channing Tatum. Isa itong salamin sa bansang
Pilipinas sa panahon ngayon at kung ang kahahantungan nito kinabukasan. Hindi
ako ulupon ni Madam Auring o Jojo Aquin (pasensya na kung mali man ang baybay,
by the way siya ang author ng year long predictions at horoscope na bidang-bida
tuwing katapusan ng taon) na nagbibigay hula sa anumang kahahantungan ng buhay
Pilipinas sa kung anu mang timeframe. Hindi rin ako Economist para bigyang
pansin ang mga bagay na kinalaman sa estadong pang-ekonomikal ng bansa at
malamang wala itong kinalaman sa anumang stock exchange at anumang kita ng
Pilipinas. Isa lamang ito sa mga kaisipan naibubunga ng aking pagkainip sa
buhay tuwing off ko at ito na naman ako’t nagpapapansin sa mga pahayagang
pang-internet.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES . Ang sarap isulat sa
papel. MALAYA daw kagaya ng ibong
palipad-lipad sa kalangitan ngunit hindi lingid sa ating kaalaman at obvious
naman na kahit Malaya na tayo ay hindi parin
tayo nakapag-iisa. Well, no man is an island nga naman pero nais ko lang naman
ipuntong hindi tayo nakapag-iisa sa mga bagay na may kinalaman sa mga sarili
nating pagmamay-ari. Marahil malaki nga naman ang pagkakaiba ng mga salitang
FREE at INDEPENDENT diba? Agree naman ako doon ngunit sa ating pananaw hindi
parin talaga tayo Malaya . Malaya
lang tayo in terms of TERMS yoon lang iyon. Ni usapang Spratlys nga nganga
parin eh at kelangan pang isangguni sa iba, Pero yun tayo eh. I’m never gonna
dispute. Kung usapang WILL lang naman para ipagtanggol ang sarili, marami tayo
nun… undoubtedly. Pero sabi nila ang malaking kulang natin ay RESOURCES… pero
di ko lang sure kung kulang talaga (if you know what I mean)
FILIPINO. Philippine-born citizens are widely known as
Filipinos. Pinoy na Pinoy. Isang lahing nagkakaisa tuwing laban ni Pacquiao at
kung sino mang Pinoy na lumalaban sa kompetisyon sa ibang bansa kahit
itinatanggi na (wahaha). Mga pinoy na sikat sa America kahit halos lahat ng
customer service nila ay andito na sa Pilipinas, Mga pinoy na kilala sa
larangan ng sports, healthcare, hospitality at kung ano-ano pang traits. Mga
Pinoy na worldclass at tunay naming namamayagpag sa ibang bansa.
FILIPINO. Ito din ang tawag sa ating Wika o Language. Hindi
po TAGALOG kaya naiinis ako pag sinasabing, “Our language here is TAGALOG”
maling-mali! Pano natin maipagmamalaki ang ating wika kung pati pangalan nito
ay hindi natin alam??? Tagalog ang Lingua franca at pinagmulan ng Filipino as
language pero ito parin ay isa sa mga dialektong Pilipino na gaya ng BISAYA, KAPAMPANGAN, ILOKANO,
BIKOLANO, atbp. PINOY thing boy! Parang
BAYANG MAGILIW at LUPANG HINIRANG LANG
AGRICULTURAL. Indeed. Isa ang Pilipinas sa mga bansang
malaki ang productivity rate pagdating sa agriculture. Pero ang labis na
ipinagtataka ko eh kung bakit tayo kinukulang sa pagkain??? Well, im not
speaking in an individual perspective pero in General to. Hindi ko convinced na
nakakakain natin lahat ng bigas na napoproduce natin. Kaw ba??
EDUCATION. Ayon sa Wikipedia, ang estado daw ang edukasyon
noong mga unang panahon ay more on vocational than academics. Mas malaki ang
kasanayan kesa kaalaman kaya hindi naipagkakailang madaming magagaling noon at
karamihan ng mga eskwelahan ay
pinapatakbo ng mga religious orders at hindi maipagkakailang disiplinado ang
mga Pilipinong nakapag-aral noon. Pero ang problema ang edukasyon ay hindi
centralized hanggang sa dumating ang mga idolo nating mga American na silang
nagpasimula ng Centralized Education at boom ang English sa mga panahong iyon…
malamang. At sa kasalukuyan ay ang k-12 system na hindi ko lubos maramdaman ang
epekto… ramdam mo ba???
Ayon sa guest speaker naming sa amaing graduation noong elementary,
sa sampong batang nakapagtapos sa Elementarya, lima hanggang anim lang ang makakapagtapos sa
High School at dalawa hanggang tatlo lamang ang makakatungtong at
makakapagtapos sng Kolehiyo. Well, hindi ko batid kung nasabi lamang nya yoon
kasi public school yung pinanggalingan ko o racist lang siya kasi halos lahat
ng mga tayo dun ay kumikita ng higit o mas mababa sa pambansang kita… pero
narealize ko at napagtanto na ang statistics nyang iyon ay tama sa
pangkalahatan. Hindi ko nga lang mahanap yung naging source nya sa impormsyong
iyon pero isang malaking check! Napunto nya. Ang mga bagay na yoon ay sadlang makatotohanan sa panahon ngayon.
Sa sobrang dami ng estudyante kumpara sa sa bilang ng guro at silid-aralan
hindi nakapagtataka yung sitwasyong iyon. Hindi rin masasabi na hindi
magagaling ang mga guro sa Pilipinas. Magagaling ang mga naging guro ko at im
sure magagaling lahat ng guro. Kelangan lang nating tanggapin na hindi sila
SuperHero para maitawid lahat ng mga batang tinuturuan nila. Guro ang kapatid
ko kaya alam ko ang hirap at sarap ng sitwasyon nila. Batid ko rin naman ang
mga pamamaraang ginagawa ng pamunuan para itaas ang antas ng edukasyon at
bigyang kaalaman at lahat ng bata sa Pilipinas. Good job but long way to go.
Nasabi din pala ng guest speaker naming nakalimutan ko ang
pangalan na sa sampung batang magtatapos ng Elementarya, Lima doon ang tamad,
tatlo ang walang baon at dalawa ang sakto lang… at iniwan nyang tanong sa
talumpati nya ay kung sino sa mga iyon ang makakapagtapos sa Kolehiyo. Well,
malamang hindi yung mga tamad yun. Tamad
nga ba ang pinoy???
POVERTY VS UNEMPLOYMENT VS POPULATION. Hindi ako
makapaniwala pero umabot na pala tayo sa 105.72 million in terms of population
at panglabindalawa (12th) tayo sa buong mundo sa padamihan! Wow!!
That’s how jun-jun works. Good job boy!! 61.1% ng populasyon ay binubuo ng gulang 15-60 years old na bumubuo sa
workforce ng Pilipinas. Ilan kaya sa 61.1% nay an ang may trabaho at
kumikita??? Lahat kaya nyan nagbabayad ng tax??? Lahat kaya noon qualified sa
trabaho?? Hindi! Ayon sa tala ng NSO, 2.894 million Filipino ay
unemployed. Eh pano pa yung mga may
trabaho pero below minimum wage??
Sabi ng isang blog na nakalimutan ko na kung sinong sumulat
(sorry naman), sabi nya dun may apat na rason kung bakit ganoon kalaki yung
unemployment rate and in no particular order (parang announcement lang ng top 5
sa pageant)
- Skills vs, Job Description (Job Mismatch)
- No skills at all (kasali na daw doon ang mga kulang talaga or wala sa requirement
- Job Offers ( number of employees vs. number of employers)
- ATTITUDE ( TAMAD???)
ANDUN NA NAMAN YUNG WORD NA YUN?? AGAIN, TAMAD NGA BA MGA
PINOY??? Ano sa tingin nyo ang number 1
reason?? Hahaha
POLITICS. Napapanahon
boy! Ihashtag ang #ELEKSYON2013 at ipost sa facebook (kung ano man ang nagagawa
nun sa fb… ) Hindi ko na ikukumpara ang mga naging at kasalukuyang leader ng
Pilipinas dahil malamang isang debate ito.
Mula sa kamay na bakal papuntang matuwid na daan. Bawat leader ay may
kanya-kanyang pamamaraan at papanaw kung anong tama at mabisang gawin para
pagbutihin ang bansa. Hindi naman natin pwedeng maliitin ang trabaho nila kasi
pambansa yun.. kaw ba naman ang mgaing leader ng 105 .72 million na tayo??? Hindi ko naabutan lahat ng
naging pinuno kaya wala akong karapatang magcomment kung anong mga maganda.
Madami akong narinig at nabasa pero isa lang masasabi ko. KWARTO MO NGA MAHIRAP
AYUSIN, BANSA PA KAYA??
Wala akong masyadong karanasan o opininyon sa politika kasi
hindi naman ako yung tipo ng taong mapagmatyag sa larangang pampulitika pero
syempre hindi naman nanganaghulugan noon na wala akong pakiaalam. Madaming
naganap na positibo at negatibo sa Pilipinas sa kamay ng ibat-ibang leader.
Hindi rin natin maisasantabi na sa mga leader nakasalalay ang mga desisyong
magpapatakbo ng bansa at bilang mamamayan kelangan din nating makiisa.
Patunayan nating hindi tayo tamad pagdating sa pagpili ng
tamang leader. Iboto kung sino ang alam mong makakatulong sa bansa. And please
huwag magpadala sa anumang mapanuyong commercial or suhol at higit sa lahat
huwag idaan sa MUKHA ang pagpili. Hindi
yun beauty pageant o mister pogi.
Yun lang. sana
wag nang tamarin. BATA PA ANG PILIPINAS. Kaya pa nating humabol. At sadya lang
talagang maaga para magcomment sa kalagayan ng Pilipinas sa kasalukuyan. Bigyan
muna nating ng tamang atensyon ang mga bagong ihahalal na leader at kelangan
lang natin maging mapagmatyag sa kung anumang maidudulot nila sa bansa at kay
JUAN bilang mamayan.
Kanina ko pa tinatanong kung tamad nga ba ang pinoy at
hanngang ngayon ay wala pang matinong sagot.
Sa pananaw ko kasi hindi. Tignan mo nalang populasyon… abot
105.72 million tapos tamad??? Sipag niyan boy!
Pero seryoso, hindi talaga tamad si Juan, maaring wala lang
initiative pero hindi sa tamad. Wait anong pinagkaiba noon??? Well, wag kang
TAMAD…
ISIP-ISIP DIN PAG MAY TIME.
-ihashtag ang pangalan ko #tedMosby at ipost sa twitter wag
sa fb. Wag tanga.
TED-MOSBY
4.26.2013 11:42 AM
Labels:
Blogs,
Dear Juan,
filipino,
LAZY,
LOVE,
Manila,
Opinion,
Philippines,
Pinoy,
Politics,
TAMAD
Subscribe to:
Posts (Atom)