Thursday, April 25, 2013

childhood ba??



04.25.2013 1:16 PM , Makati City


Ang hirap ng walang magawa. Ang init ng panahon at nakakawalang-ganang
 maghalo-halo sa kanto kasi isang kutsara lang ang gatas at ni anino ng paborito kong UBE wala… takte! Hindi ko masulit ang
 bente!

Well, katatapos ko lang manood ng movie, DRAGONBALL REVOLUTION, STEP UP 2 at CHEERLEADER CAMP (ewan ko lang kung anong pumasok sa isip ko at pinanood ko yun) wahaha at super bored ako kaya after nun binuklat ko ang nobela ni Nicholas Sparks na SAFE HAVEN at boom ito nako nakapagsulat ng walang kwentang blog (walang konek :P)

Syempre bago ang lahat, nagresearch muna ako ng tema o subject  sa blog kong ito na ewan ko din kung pano ko sinimulan at san patutungo pero tinulungan ako ni twitter sa pananaliksik and BOOM!! Wala akong napulot. Ang kokorni ng trend.

No worries, hindi ako dadaldal about sa mga temang napapanahon. Lagi akong outdated sa mga current events at kasabay noon ang pagkawala ko sa realidad kasi iba na ang timezone ko (Call Center Thing ). Hindi ko nga alam na nagkakaron na pala ng Giyera sa dako pa roon at kinoronahan na pala si Ariel Arida bilang Miss Universe Philippines 2013 na bentang benta sa ganda kasabay ng isyung kinapapalooban ng nagpasa ng korona… well, ayoko nang ipakadiin kasi trending ang #Ijaninetogonon moko. Well, hindi naman ako nashock dun. She’s just being true to herself and I can’t blame her… (kaw ba naman ang kantahan ng THE MAN WHO CANT BE MOVED kung hindi malalaglagan ng panty) wahahaha BREAKEVEN agad si jowa at nag FALL FOR ANYTHING si Janine. Hindi ako fan ng the script promise! Nga pala, may bago silang album… ABANGAN!  Korning #GWIYOMI muna.


Anyway, much has been said for the opening. Wala pa akong napupunto.

PANO KA NAGING BATA???

Noong nag-aapply ako sa trabaho, tinanong ako ng interviewer about sa Childhood ko. Isang magandang tanong. Broad at hindi ka mauubusan ng sagot, Yung tipong pati di ko pagsusuot ng underwear noon ay nakwento ko.

Ang sarap maging bata. Yung wala kang iisipin kundi maglaro. Pasok sa eskwela para sa baon at makipaghabulan sa mga kababata after class. Magcamping para makapaglaro ng tagu-taguan sa gabi at sumali sa drum and lyre corps at extracurricular para makapamasyal lang, Yun eksenang di ka mag-aaksaya ng oras para isipin kung may pagkain ka bang uuwian at manood ka nalang ng anime…
Malaki ang nagging epekto ng pagiging bata natin kung ano tayo ngayon. Lahat ng experience noon ang nagiging dahilan kung bakit ka mahiyain, madaldal, clumsy, nerd, badboy, badgirl, at kung anu-anu pa. di ko na siguro tatalakayin ang buong theory ni Freud sa Psychosexual para mabigyang eksplanasyon ang mga bagay na nasabi ko. Sabi lang nun, kung pano ka lumaki  bilang bata ay may kinalaman kung ano ka ngayon.(ulit-ulit??) hahahahaha


Noong bata ako mahigpit parents ko sa pag-aaral. May oras lahat pero hindi sila nagiging strict sa playtime kaya kahit papano ay nabibigyan ko parin ng oras ang paglalaro. Uso din ang mga rules like assignment before TV at pag weekends naman, linis before TV like the usual. Lumaki ako sa mga rules na yun at dun ko natutunan ang pagbabudget ng time na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa. ang study habits kong read at least 5 pages of any reading material everyday ay naging malaking dahilan kung bakit ako hayok sa kung anu-anong babasahin at di ako namroblema sa academics.

Hayok ba ‘ka nyo??? Hahahah wait, fan din ako ni xerex sa ABANTE noong murang edad palang… kaya maaga akong namulat sa ANATOMY.  Not until pinagbawalan ako ng tatay ko at thankful din ako nun kasi nawala yung xerex sa abante. Hahahah that’s fair enough!

Hindi narin mabilang mga libro ko sa bahay na idodonate ko na sa kawang-gawa. Kasali dun yng mga pocket books ng ate ko na pinagtsagaan ko din. Pati Nursing books ko ibibigay ko na rin kay MRS. CYNTHIA VILLAR para hindi naman MUTANG sa mga pinagsasabi nyah. Malapit na eleksyon mga kababayan… alam na! ;P

Nga pala, madami akong ebooks (epub version), install lang kayo ng ADOBE DIGITAL EDITION (ADE) sa PC or use kayo ng apps like MOON READER PRO for Android users... complete Patterson, Coelho, Sparks, EL James, Sylvia Day, Collins.  Message nyo ako at isesend ko through email. Tamad akong mag-upload eh.

Hindi ako sociable type pero bulgar ako sa social media. Hindi ako mahilig sa gatherings at mas gusto kong gumala nang mag-isa… Ayoko kasi ng may iniisip na kasama pag nasa labas at para kontrolado mo ang oras. Hindi ako mahiyain pero I hate being compared or being rejected kaya hindi ako comfortable sa mga ganun.  At di ako tinuruan ng magulang kong makipagsosyalan na alam kong pinagsisihan nila (wahaha like what my sister have said) pero mas okay kasi less gastos this time.


Matipid ako pero hindi sa pagkain.Ayokong magutom. Pipiliin kong mabaon sa utang dahil sa pagakain kesa magutom pero hindi ko hinahayaang wala akong pera. Panic nako pag bente nalang pera ko… walang panghalo-halo boy!

Naging hilig ko din ang FM nung bata. Yung tipong nirerecord ko pa yung mga bagong kanta sa top20 ng MOR sa isang cassette tape at dahil di pa uso ang internet noon ay songhits ang nagiging source ng lyrics. ..at ayoko ng songhits na walang article sa likod. Ayoko ng puro crossword lang at puro picture. Walang kwenta

Hindi ako fan ng OPM kasi kahit noong bata pa ay nakokornihan na ako… not until I turned 15 when I needed to learn kakornihan for LOVE… 

Hindi rin mawawala yung hilig ko sa anime na isa sa mga highlight ng childhood ko. At isa sa mga frustration ko hanggang ngayon ay kung baking hindi tinapos ng GMA ang buong series ng FUSHIGI YUGI at HUNTER X!! badtrip kaya!! Rrrrr
Hanggang ngayon nanonood parin pero minimal nalang kasi nightshift ako.. isa pa yun!

Nung bata ako ambisyon kong maging isang DJ. Maingay kasi ako at mahilig dumaldal kaya when I graduated high school, decided akong mag-MASSCOM pero ayaw ng tatay ko kaya I ended up taking NURSING na kalaunan ay nagustuhan ko naman at ngayon ay CALL CENTER AGENT.. for the least, hahahaha at least medyo may kalapitan sa kagustuhan ko noon. GOAL partially met.

Madami din akong traits at attitude na pinagsisihan kong natutunan ko ng kabataan ko kagaya ng pagiging madamot, pero well compensated naman na ngayon. Hindi na masyado pero andoon parin, In process boy.
Dahil din sa mga nabasa ko hindi ako transparent. Sarado ang kaisipan ko sa mga alam kong di tama theoretically. Like sa workplace, ayokong bigyan ng chance ang mga bagay na maliit lang ang chance maging successful. I’m not a negative thinker pero parang lahat ng dapat para sa akin ay yung ideal… kaya im learning the process of negation. Pili-pili din ng babasahin pag may time.


Hehehe I don’t know pero hindi lahat perpekto. Pero walang tama o mali . May sari-sariligtayong pananaw kung anong tama at mali. Kung ano tayo ngayon ay produkto ng mga kaisipan at kasanayan na natutunan natin simula noong ipinanganak tayo hanggang sa ngayon. Madami pang pagkakataon para ituwid ang mga maling kasanayan at simulan muli sa tama ang lahat… Ang  Learning process ay tuloy-tuloy.   Kung anong mali ng kahapon ay hayaang itama ng bukas at kung anong tama noon ay panatalihin parin tama ngayon.  Masayang maging bata, hindi man positibo lahat pero yun ka eh. Masasabi nating may pinaghugutan tayo… Balik tanaw lang din minsan. Masaya promise! J

Wait anong napunto ko??? Ahhahahahaa

Nakakapagod magtype. Yosi muna at kain ng halo-halong may kakarampot na gatas… oh wait, good news!! May Ube na!

End.


04.25.13. 3:26 pm (TeD-MowSBY,rn)



No comments:

Post a Comment