Thursday, April 25, 2013


4.26.2013 9:42 AM MANILA TIME


DEAR JUAN

Hindi ito halaw sa makakatotohanang nobela ni Nicholas Sparks sa Dear John na binagbidahan ni Channing Tatum. Isa itong salamin sa bansang Pilipinas sa panahon ngayon at kung ang kahahantungan nito kinabukasan. Hindi ako ulupon ni Madam Auring o Jojo Aquin (pasensya na kung mali man ang baybay, by the way siya ang author ng year long predictions at horoscope na bidang-bida tuwing katapusan ng taon) na nagbibigay hula sa anumang kahahantungan ng buhay Pilipinas sa kung anu mang timeframe. Hindi rin ako Economist para bigyang pansin ang mga bagay na kinalaman sa estadong pang-ekonomikal ng bansa at malamang wala itong kinalaman sa anumang stock exchange at anumang kita ng Pilipinas. Isa lamang ito sa mga kaisipan naibubunga ng aking pagkainip sa buhay tuwing off ko at ito na naman ako’t nagpapapansin sa mga pahayagang pang-internet.

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES. Ang sarap isulat sa papel.  MALAYA daw kagaya ng ibong palipad-lipad sa kalangitan ngunit hindi lingid sa ating kaalaman at obvious naman na kahit Malaya na tayo ay hindi parin tayo nakapag-iisa. Well, no man is an island nga naman pero nais ko lang naman ipuntong hindi tayo nakapag-iisa sa mga bagay na may kinalaman sa mga sarili nating pagmamay-ari. Marahil malaki nga naman ang pagkakaiba ng mga salitang FREE at INDEPENDENT diba? Agree naman ako doon ngunit sa ating pananaw hindi parin talaga tayo Malaya. Malaya lang tayo in terms of TERMS yoon lang iyon. Ni usapang Spratlys nga nganga parin eh at kelangan pang isangguni sa iba, Pero yun tayo eh. I’m never gonna dispute. Kung usapang WILL lang naman para ipagtanggol ang sarili, marami tayo nun… undoubtedly. Pero sabi nila ang malaking kulang natin ay RESOURCES… pero di ko lang sure kung kulang talaga (if you know what I mean)


FILIPINO. Philippine-born citizens are widely known as Filipinos. Pinoy na Pinoy. Isang lahing nagkakaisa tuwing laban ni Pacquiao at kung sino mang Pinoy na lumalaban sa kompetisyon sa ibang bansa kahit itinatanggi na (wahaha). Mga pinoy na sikat sa America kahit halos lahat ng customer service nila ay andito na sa Pilipinas, Mga pinoy na kilala sa larangan ng sports, healthcare, hospitality at kung ano-ano pang traits. Mga Pinoy na worldclass at tunay naming namamayagpag sa ibang bansa.

FILIPINO. Ito din ang tawag sa ating Wika o Language. Hindi po TAGALOG kaya naiinis ako pag sinasabing, “Our language here is TAGALOG” maling-mali! Pano natin maipagmamalaki ang ating wika kung pati pangalan nito ay hindi natin alam??? Tagalog ang Lingua franca at pinagmulan ng Filipino as language pero ito parin ay isa sa mga dialektong Pilipino na gaya ng BISAYA, KAPAMPANGAN, ILOKANO, BIKOLANO, atbp.  PINOY thing boy! Parang BAYANG MAGILIW at LUPANG HINIRANG LANG

AGRICULTURAL. Indeed. Isa ang Pilipinas sa mga bansang malaki ang productivity rate pagdating sa agriculture. Pero ang labis na ipinagtataka ko eh kung bakit tayo kinukulang sa pagkain??? Well, im not speaking in an individual perspective pero in General to. Hindi ko convinced na nakakakain natin lahat ng bigas na napoproduce natin. Kaw ba??

EDUCATION. Ayon sa Wikipedia, ang estado daw ang edukasyon noong mga unang panahon ay more on vocational than academics. Mas malaki ang kasanayan kesa kaalaman kaya hindi naipagkakailang madaming magagaling noon at karamihan  ng mga eskwelahan ay pinapatakbo ng mga religious orders at hindi maipagkakailang disiplinado ang mga Pilipinong nakapag-aral noon. Pero ang problema ang edukasyon ay hindi centralized hanggang sa dumating ang mga idolo nating mga American na silang nagpasimula ng Centralized Education at boom ang English sa mga panahong iyon… malamang. At sa kasalukuyan ay ang k-12 system na hindi ko lubos maramdaman ang epekto… ramdam mo ba???

Ayon sa guest speaker naming sa amaing graduation noong elementary, sa sampong batang nakapagtapos sa Elementarya, lima hanggang anim lang ang makakapagtapos sa High School at dalawa hanggang tatlo lamang ang makakatungtong at makakapagtapos sng Kolehiyo. Well, hindi ko batid kung nasabi lamang nya yoon kasi public school yung pinanggalingan ko o racist lang siya kasi halos lahat ng mga tayo dun ay kumikita ng higit o mas mababa sa pambansang kita… pero narealize ko at napagtanto na ang statistics nyang iyon ay tama sa pangkalahatan. Hindi ko nga lang mahanap yung naging source nya sa impormsyong iyon pero isang malaking check! Napunto nya. Ang mga bagay na yoon  ay sadlang makatotohanan sa panahon ngayon. Sa sobrang dami ng estudyante kumpara sa sa bilang ng guro at silid-aralan hindi nakapagtataka yung sitwasyong iyon. Hindi rin masasabi na hindi magagaling ang mga guro sa Pilipinas. Magagaling ang mga naging guro ko at im sure magagaling lahat ng guro. Kelangan lang nating tanggapin na hindi sila SuperHero para maitawid lahat ng mga batang tinuturuan nila. Guro ang kapatid ko kaya alam ko ang hirap at sarap ng sitwasyon nila. Batid ko rin naman ang mga pamamaraang ginagawa ng pamunuan para itaas ang antas ng edukasyon at bigyang kaalaman at lahat ng bata sa Pilipinas. Good job but long way to go.

Nasabi din pala ng guest speaker naming nakalimutan ko ang pangalan na sa sampung batang magtatapos ng Elementarya, Lima doon ang tamad, tatlo ang walang baon at dalawa ang sakto lang… at iniwan nyang tanong sa talumpati nya ay kung sino sa mga iyon ang makakapagtapos sa Kolehiyo. Well, malamang hindi yung mga tamad yun.  Tamad nga ba ang pinoy???

POVERTY VS UNEMPLOYMENT VS POPULATION. Hindi ako makapaniwala pero umabot na pala tayo sa 105.72 million in terms of population at panglabindalawa (12th) tayo sa buong mundo sa padamihan! Wow!! That’s how jun-jun works. Good job boy!! 61.1% ng populasyon ay binubuo  ng gulang 15-60 years old na bumubuo sa workforce ng Pilipinas. Ilan kaya sa 61.1% nay an ang may trabaho at kumikita??? Lahat kaya nyan nagbabayad ng tax??? Lahat kaya noon qualified sa trabaho?? Hindi! Ayon sa tala ng NSO, 2.894 million Filipino ay unemployed.  Eh pano pa yung mga may trabaho pero below minimum wage??

Sabi ng isang blog na nakalimutan ko na kung sinong sumulat (sorry naman), sabi nya dun may apat na rason kung bakit ganoon kalaki yung unemployment rate and in no particular order (parang announcement lang ng top 5 sa pageant)

  1. Skills vs, Job Description (Job Mismatch)
  2. No skills at all (kasali na daw doon ang mga kulang talaga or wala sa requirement
  3. Job Offers ( number of employees vs. number of employers)
  4. ATTITUDE ( TAMAD???)

ANDUN NA NAMAN YUNG WORD NA YUN?? AGAIN, TAMAD NGA BA MGA PINOY???  Ano sa tingin nyo ang number 1 reason?? Hahaha


POLITICS.  Napapanahon boy! Ihashtag ang #ELEKSYON2013 at ipost sa facebook (kung ano man ang nagagawa nun sa fb… ) Hindi ko na ikukumpara ang mga naging at kasalukuyang leader ng Pilipinas dahil malamang isang debate ito.  Mula sa kamay na bakal papuntang matuwid na daan. Bawat leader ay may kanya-kanyang pamamaraan at papanaw kung anong tama at mabisang gawin para pagbutihin ang bansa. Hindi naman natin pwedeng maliitin ang trabaho nila kasi pambansa yun.. kaw ba naman ang mgaing leader ng 105 .72  million na tayo??? Hindi ko naabutan lahat ng naging pinuno kaya wala akong karapatang magcomment kung anong mga maganda. Madami akong narinig at nabasa pero isa lang masasabi ko. KWARTO MO NGA MAHIRAP AYUSIN, BANSA PA KAYA??

Wala akong masyadong karanasan o opininyon sa politika kasi hindi naman ako yung tipo ng taong mapagmatyag sa larangang pampulitika pero syempre hindi naman nanganaghulugan noon na wala akong pakiaalam. Madaming naganap na positibo at negatibo sa Pilipinas sa kamay ng ibat-ibang leader. Hindi rin natin maisasantabi na sa mga leader nakasalalay ang mga desisyong magpapatakbo ng bansa at bilang mamamayan kelangan din nating makiisa.

Patunayan nating hindi tayo tamad pagdating sa pagpili ng tamang leader. Iboto kung sino ang alam mong makakatulong sa bansa. And please huwag magpadala sa anumang mapanuyong commercial or suhol at higit sa lahat huwag idaan sa MUKHA  ang pagpili. Hindi yun beauty pageant o mister pogi.

Yun lang. sana wag nang tamarin. BATA PA ANG PILIPINAS. Kaya pa nating humabol. At sadya lang talagang maaga para magcomment sa kalagayan ng Pilipinas sa kasalukuyan. Bigyan muna nating ng tamang atensyon ang mga bagong ihahalal na leader at kelangan lang natin maging mapagmatyag sa kung anumang maidudulot nila sa bansa at kay JUAN bilang mamayan.

Kanina ko pa tinatanong kung tamad nga ba ang pinoy at hanngang ngayon ay wala pang matinong sagot.

Sa pananaw ko kasi hindi. Tignan mo nalang populasyon… abot 105.72 million tapos tamad??? Sipag niyan boy!

Pero seryoso, hindi talaga tamad si Juan, maaring wala lang initiative pero hindi sa tamad. Wait anong pinagkaiba noon??? Well, wag kang TAMAD…

ISIP-ISIP DIN PAG MAY TIME.


-ihashtag ang pangalan ko #tedMosby at ipost sa twitter wag sa fb. Wag tanga.


TED-MOSBY
4.26.2013 11:42 AM

No comments:

Post a Comment